
Nina:
KRISTIA MAE V. DELOS SANTOS
AUBRY ANN KATE B. DESUYO
LADY JANE C. GAURANA
ABEGAIL L. JOSON
NICO S. MAHILUM
PROF. AILYN P. CEBALLOS
ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay naglayong matukoy ang antas ng kasanayan sa
pagbabaybay ng mga mag-aaral sa wikang Filipino mula sa ikasiyam na baitang. Ang mga tagatugon ay binuo ng apatnapung (40) mag-aaral mula sa Banquerohan
National High School. Upang masukat ang kanilang kasanayan, bumuo ang mga
mananaliksik ng tatlumpung(30) aytem na pagsusulit. Bukod dito, isinagawa rin
ang interbensyong tinawag na “Baybay Husay” isang makabagong estratehiyang
pedagohikal na matagumpay na pinagsama ang larong pangklase at mga layuning
akademiko. Ginamit sa pag-aaral ang kwantitatibong paraan ng pananaliksik, partikular ang Pre-test at Post-test, para sa pangangalap ng datos. Sa pagsusuri
ng datos, gumamit ng mean, standard deviation, at paired t-test. Natuklasan na
ang antas ng kasanayan sa pagbabaybay ng mga mag-aaral bago ang
interbensyon ay nasa mataas na lebel. Matapos isagawa ang Baybay-Husay, lumabas na may pinakamataas na pag-unlad sa kanilang kasanayan. Iminumungkahi namagpatupad ng mga programang pangwika upang higit na
mapaunlad ang kasanayan sa pagbabaybay ng mga mag-aaral, at magsagawa ng
regular na pagpapabaybay at pagpapabasa upang maipagkaloob sa kanila ang
kinakailangang kasanayan para sa mas maayos na pag-unlad.
Mga Susing Salita: Pagbabaybay, kasanayan sa wika, Baybay-Husay, estratehiyangpedagohikal, Pre-test at Post-test, kwantitatibong pananaliksik, pagunladngmag-
aaral.
Citation & Access:
This article is archived and citable via DOI:

















