Nina:

Joel Evangelista, Agnes R. Diosana, Julie Ann M. Mesa, Pat Rhea B. Nonifara, Guia C. Osorio, Regine P. Rosalio, Angie A. Sinilong

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang representasyon ng kasarian, edad, etnisidad,
estado sa buhay, at pagkakapantay-pantay sa limang piling kontemporaryong pelikulang Pilipino: Liway
(2018), Lola Igna (2019), Respeto (2017), Bakwit Boys (2018), at Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros
(2005). Isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng kwalitatibong content analysis, gamit ang
Representation Theory ni Stuart Hall at Intersectionality ni Kimberlé Crenshaw. Ipinakita sa resulta na ang mga pelikula ay nagsisilbing makapangyarihang midyum sa pagbubunyag ng mga sistemikong isyu ng diskriminasyon at stereotyping. Malinaw ang representasyon ng patriyarkal na pananaw sa kababaihan sa mga pelikulang Liway at Respeto, habang inilahad sa Bakwit Boys ang mga limitasyon sa papel ng kababaihan sa tradisyonal na balangkas. Sa kabilang banda, positibong naipakita sa Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros ang pag-angat ng boses ng mga LGBTQIA+ sa kabila ng diskriminasyon. Inilahad din sa mga pelikula ang ageism, hindi pagkakapantay sa estado sa buhay, at marginalisasyon ng mga etnikong grupo sa lipunan.

Sa kabuuan, lumilitaw sa pag-aaral na ang pelikula ay hindi lamang salamin ng realidad, kundi
nagsisilbi ring kritikal na plataporma para sa panlipunang pagbabago. Pinagtitibay ng pananaliksik ang
pananaw nina Janowska (2024) at Velasquez & Orobia (2024) na ang inklusibong nilalaman sa media ay may kapangyarihang baguhin ang pananaw, bawasan ang pagkiling, at itaguyod ang isang mas
makatarungan at pantay na lipunan.


Mga Susing Salita: Pelikulang Pilipino, Representasyon, Diskriminasyon, Kasarian,
Edad, Etnisidad, Pagkakapantay-pantay, Intersectionality, Representation Theory

Citation & Access:

This article is archived and citable via DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.15901231

Posted in

Leave a comment