Nina:

Krystelle Charisse Belangel , Leonel Baulita, Jerah Mae Canlas, Jezreel Dela Cruz, Mark Dulce,

Arnold Torre Jr. , Sol Abellar

ABSTRAK

Ang pag-aaral ay naglalayong suriin ang sosyo-kultural na aspeto ng ilang piling
akdang pampanitikan ng Rehiyon XVIII (Guna, Mga Luha Para kay Tatay Jose, Pamalandong ni Antigo
Mokayat, Panay kag Negros, at Pinustahan nga Gugma) upang ipakita ang sosyedad at pagkakakilanlan
ng rehiyon. Sa pamamagitan ng pangunahing metodolohiya na kwalitatibong disenyo ng pananaliksik at
pagsusuring pangnilalaman ay inalisa ang limang akda: dalawang maikling kwento at tig-iisang
sanaysay, tula, at dulang isinulat ng mga manunulat mula sa Rehiyon XVIII. Ang pagsusuri ay nakatuon
sa konteksto ng esteryotipong pangkasarian, kaugalian, kultura, paniniwala, at temang panlipunan kung
saan lumabas sa resulta ng pag-aaral na nagsilbing salamin ng pamumuhay ng mga mamamayang taga
Rehiyon XVIII ang mga akdang pampanitikang nagmula rito. Ipinakita ang matibay na ugnayan ng
pamilya, mataas na pagpapahalaga sa paniniwala, at presensya ng mga isyu at realidad ng lipunan kagaya
ng diskriminasyon, kahirapan, at kakulangan sa edukasyon. Masasalamin din sa akda ang patriyarkal na
sistema na patuloy na umiiral sa lipunan bilang bahagi ng kulturang Pilipino. Iminumungkahi ng mga
mananaliksik ng pag-aaral na ito na gamitin ang mga lokal na panitikan sa pagtuturo upang lubusang
mapalawak ang kamalayan at pagkatuto ng mga mag-aaral sa sariling kultura at lipunan, gayundin
upang maging sanggunian ng mga kaguruan at mananaliksik sa pagpapaunlad ng panitikang rehiyunal
sa larangan ng edukasyon.

Mga susing salita – Akdang Pampanitikan, Esteryotipong Pangkasarian, Kaugalian, Kultura,
Paniniwala, Sosyo-kultural, Temang Panlipunan

Citation & Access:

This article is archived and citable via DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.15895041

Posted in

Leave a comment