
Nina: Lloyd C. Pantanosas, Trisha R Flores, Jerlyn B. Mariano, Ereca L. Pialago, Wamia Z. Satur, Emylin T. Batulat


ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masusing suriin ang Beki Language o Gay Lingo bilang isang makabagong anyo ng wika sa konteksto ng kontemporaryong lipunang Pilipino, lalo na sa pamamagitan ng social media platforms gaya ng Facebook at TikTok. Isinagawa ang morpolohikal na pagsusuri sa apatnapung (40) salitang beki na nakalap mula sa nasabing mga plataporma. Ang mga salitang ito ay inuri batay sa mga proseso ng pagbubuo ng salita: panghihiram, pagpapalit ng pantig, pagdaragdag ng panlapi, paghahalo ng wika (code-switching/code-mixing), metatesis, at akronim.
Lumabas sa resulta na ang Gay Lingo ay hindi lamang anyo ng balbal na wika kundi isang malikhain at makapangyarihang instrumento ng komunikasyon, pagkakakilanlan, at kultural na ekspresyon ng LGBTQIA+ community at kabataang Pilipino. Ipinakita rin sa pag-aaral ang aktibong papel ng social media sa paglaganap at ebolusyon ng Beki Language bilang isang dinamiko at inklusibong bahagi ng wikang Filipino.
Inirerekomenda ang higit pang pananaliksik sa sintaktik at pragmatikong aspekto ng Gay Lingo, gayundin ang pagtalima sa etikal at sosyo-kultural na sensibilidad sa paggamit nito sa mga pampublikong espasyo at diskurso sa wika.
Mga Susing Salita: Gay Lingo, Beki Language, morpolohiya, social media, sosyolek, wika ng
LGBTQIA+
Citation & Access:
This article is archived and citable via DOI:

Leave a comment