
Nina: Guillero, Jessamae; Jasmin, Annabel; Sombero, Ash Lee; Susper, Geraldine; Tacugue, Johnmar ; Jocson Jr., Ralger

ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga kapistahang kabilang sa Panaad Festival ng Negros Occidental bilang batayan sa pag-buo ng kagamitang Panturo. Layunin ng pagsusring ito na tukuyin ang mga Deskriptibo, Estruktura, at Klasipikasyon ng uri ng Pista. Isinagawa ang Deskriptibong Pagsusuri sa mga kapistahang kabilang sa Panaad Festival. Ang Content Analysis ay ginamit upang sistematikong suriin ang nilalaman ng mga dokumento, audiovisual na materyales, opisyal na pahayagan, polyeto at iba pa pang kaugnay na sanggunian tungkol sa Panaad Festival.
Kinumpirma ng pag-aaral na ang Panaad Festival ay isang malawak at dinamikong repositoryo ng mga kultural at historical na pamana. Ang sistematikong pagtukoy at paglalarawan sa mga paulit-ulit na tema mula sa agrikultura at likas na yaman, sining, pagkamalikhain, hanggang sa malalim na pananampalataya at local na industriya ay nagbigay ng isang komprehensibo na larawan ng pamumuhay at pagkakakilanlan ng mga Negrense.
Inirerekomenda ng pananaliksik na ito na mas pagtuunan pa ng pansin ang iba pang mga kapistahan na kabilang sa Panaad Festival. Hinihikayat din ang mga guro na ituro sa mga mag-aaral ang iba’t ibang kapistahan sa Panaad Festival. At iminumungkahi rin na bumuo ng isang kagamitang panturo sa anyo ng modyul na magagamit sa pagtuturo ng asignatuirang Filipino.
Mga susing salita: Panaad Festival, Kagamitang Panturo, Negrense, Klasipikasyon, Kapistahan.
Citation & Access:
This article is archived and citable via DOI:

Leave a comment