
Nina: Ceballos, Ailyn P..; Diel, Raquel Sain C.; Jagurin, Alianna V.; Palpita, Ricarido Jr.; Sardemio, Rona O.; Tanguan, Ramil G.

Abstrak
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa paggamit ng wikang Hiligaynon sa mga pahayagang nakasulat sa wikang Filipino at ang implikasyon nito sa pagbuo ng isang talasalitaan. Layunin ng pag-aaral na matukoy ang mga salitang Hiligaynon na ginagamit sa mga nakalimbag na papel ng pahayagan, na may pagkakatulad o pagkakaiba sa baybay, bigkas, at kahulugan kumpara sa wikang Filipino. Gumamit ang mga mananaliksik ng pagsusuring pangnilalaman o content analysis bilang pangunahing metodolohiya at sinuri ang tatlong piling pahayagan sa Pilipinas: Pilipino Star Ngayon, Pang-Masa, at Bulgar. Ang mga datos ay kinuha mula sa mga artikulo ng taong 2025 at sinuri gamit ang Hiligaynon Dictionary ni Cecile L. Motus, KWF 1971 Edition, at Pilipino Dictionary 2010-2025 Edition. Lumitaw sa pagsusuri na may malawak na gamit ang wikang Hiligaynon sa mga pahayagan, kabilang ang mga “true cognates” (magkatulad ang baybay, bigkas, at kahulugan) at “false cognates” (magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan o bigkas). Napatunayan sa pag-aaral na may mahalagang papel ang pahayagan sa intelektwalisasyon ng mga wikang rehiyonal at sa pagpapalawak ng pambansang bokabularyo. Bilang pangunahing awtput, binuo ang isang talasalitaan ng mga salitang Hiligaynon na maaaring magsilbing gabay sa mga guro, magaaral, manunulat, at mambabasa sa mas epektibong paggamit ng wika sa pamahayagan at edukasyon.
Mga Susing Salita: Hiligaynon, Filipino, pahayagan, at talasalitaan.
Citation & Access:
This article is archived and citable via DOI:

Leave a comment