Nina: Batulat, Emylin T.; Emelia, Jeril M.; Bacongon, Jerold C.; Candilado, Janine S.; Gayaban, Riza B.; Katalbas, Pia C.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang “Isang Pagsipat sa Pamahiin Sa Pagsusulit Para sa mga Guro.” Naglalayong tuklasin at suriin ang mga pang-akademikong pamahiing kinagigiliwan o sinusunod ng mga guro sa pagharap nila sa pagsusulit para sa mga guro. Layunin nitong maunawaan kung paano nagiging motibasyon, batayan ng kanilang paghahanda, at kung ano ang dulot o epekto nito sa kanilang kaisipan at emosyonal na kalagayan. Gumamit ng kwalitatibong pamamaraan—descriptive research, sa pamamagitan ng pakikinayam sa piling tatlumpong (30) kalahok na nakapagtapos sa Pamantasang Normal ng Pilipinas‒Visayas. Lumalabas sa pag-aaral na marami ang mga pamahiin na pinaniwalaan ng mga nagsipagtapos na sa pagkuha ng pagsusulit. Sinasabi na mayroon itong naging mabuting epekto sa kanila sapagkat naipasa nila ang pagsusulit, subalit sa kabilang banda ay mayroon din nagsasabi na may negatibo itong naging dulot dahil hindi nila naipasa ng unang beses ang pagsusulit at pinaniniwalaan nila na dahil iyon sa pamahiin na kanilang sinunod. Ginamitan ng Content Analysis Research Design upang suriin at kategoryahin ang mga nilalaman ng mga datos o teksto na nakalap. Inirekomenda ng pananaliksik ang mas malalim pang pagsusuri sa papel ng kultura sa akademikong tagumpay at pag-uugali ng mga propesyunal.
Mga Susing Salita – Batayan, Dulot, Pagsipat, Pagsusulit, Pamahiin

Citation & Access:

This article is archived and citable via DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.17059689

Posted in

Leave a comment